Wednesday, October 16, 2013

kulturang pinoy

kulturang pinoy

Kaugaliang Pilipino

Kaugaliang Pilipino[baguhin]

  • Bayanihan: Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan kahit kailan o saan man kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita ang bayanihan sa mga sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang mga tambay at ang mga taong-bayang na malapit dito ay agad agad ding tutulungan ang drayber kahit ano pa man ang mangyari maayos lamang ang nasirang sasakyan. O kaya naman mas kadalasang inilalarawan ito ng paglilipat bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang mga bahay ay sabay sabay bubuhatin ng mga kalalakihan na sinasabayan pa kung minsan ng awitin upang di gaanong madama ang kabigatan nito. Ito ay kabaligtaran ng ugaling indibidwalismo ng mga lipunang Europeo at Amerikano.
  • Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak: Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak. Ang pangunahing sistemang panlipunan ng mga Pilipino ay mag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala

  • Pakikisama[1]: Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa iba.
  • Hiya: Ang kaugaliang Hiya ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino kasi ay naniniwala na dapat na kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng lipunan; ang kung sila ay nakagawa ng kaugaliang hindi tanggap, ang kahihiyan na ginawa nila ay hindi lang para sa kanilang sarili kundi kahihiyan din ito para sa kanilang mag-anak. Isang halimbawa ay ang pagiging magarbo ng paghahanda kahit na hindi dapat sapat ang kabuhayan niya. Kung ay isa ay pinahiya sa maraming tao, sila ay nakararamdam ng hiya at nawawalan ng lakas ng loob.
  • Utang na Loob[1]: Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa mga pagsubok na kanyang dinaanan. May mga kasabihan nga na: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan
  • Amor Propio: Pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang dignidad. citation needed
  • Delicadeza: Isang ugali na kailan na dapat ang isang tao ay kumilos sa tama at nasa lugar.citation needed
  • Palabra de Honor: "May isang salita" Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan tuparin ang mga sinabi nitong mga salita o pangako.

Batang Iskawt


Ang Batang Iskawt

Batang Iskawt

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Mga umaawit na Iskawt sa European Jamboree 2005 na nagmula sa iba't ibang mga bansa
Ang isang Boy ScoutKapatirang Scout, o Batang Iskawt (sa karamihan ng mga bansa ay Iskawt lamang) ay batang lalaki o batang babae, kadalasang nasa gulang na 11 hanggang 18, na nakikilahok sa kilusang Eskultismo na laganap sa buong mundo. Nilikha ni Tinyente Heneral Robert Baden-Powell ito noong 1908.

Seremonya Sa Pagtatalaga Ng Mga Batang Scout



“SEREMONYA SA PAGTATALAGA NG MGA“JUNIOR AT SENIOR SCOUTS”I.Pagpasok……………………………………………………………………………………………………….Papasok ang tropa sa hudyat ng Namamahalang Puno (Troop Leader) at bubuo g kakal-kabayong hugis (Horseshoe Formation)II. ANG SEREMONYA:1. Namamahalang Puno o Lider …………………………………………………………………………………..a) “Kayo ngayo’y itatalaga sa Junior/Senior Troop”Silang ________ at ________ ng Bulacan GS Council”.a) Sindihan ang pinakamalaking kandila.) “Ang kandilang ito na aking sisindihan ay kumakatawan sa diwang Iskauting na inaasahan naming siyang tatanglaw sa inyo habang kayo’y nabubuhay.b. Ang tatlo pang kandila na sisindihan din ay kumakatawan sa tatlong bahagi ng Pangako ng Girl Scout.2. Katulong na Lider (Co-leader) Tatawag ng tatlong panauhin upang magsindi ng kandila ang bawat isa.(a) Sisindihan ag kandilang nasa gitna. Unang Panauhin.Ang kandilang sisindiha’y pangako ang binabanggit,Una ito siyang sagisag, punung puno ng pag-ibig;Ukol ito sa Lumikhang kay Bathalang nasa langit,At kasama ang sa bayang kadluan ng tuwa’t hapis.(b) Sisindihan ag pangalawang kandila . (Pangalawa)Ikalawang kandilang sisindiha’y sakop pa rin ng pangako,Sagisag ay kabaitang sa tao’y siyang sugo ;Ang pagtulong sa kapuwa’y laging taos, hindi biro.Pagkat bunga ay ligaya kung pagtulong ay nasa puso.(c) Sisindihan ang ikatlong kandila. (Pangatlo)Ang ikatlong sisindiha’y yaong batas na susundin.Mayro’ng sampu yaong bilang, isa-isang babanggitin;Buod nito’y katutura’y may magandang layo’t turing,Maliwanag at malinag kapag iyong nanamnamin.3. Pagsisindi ng sampung kandila na siyang isasagawa ng sampung Girl Scouts.(Kanan 1) Ang Babaeng scout ay malinis ang isip salita at gawa.Malinis na lagi yaong kaisipanSa salita ri’y gayo’t gawai’y marangal;Kung makipag-usap di inililiban

Magagandang Katangian ng mga Pilipino

Mga Katangian ng Pilipino

Maraming katangian ang mga Pilipino na dapat ipagmalaki. Ang mga sumusunod ay deskripsyon kung paano at kailan nila ipinakikita ang mga katangian na ito:

Pagtitiwala sa Panginoon
Isang magandang katangian ng mga Pilipino ang pagtitiwala sa Panginoon. Karamihan sa kanilang mga mag-anak ay matapat sa pananampalataya. Naniniwala silang may isang Panginoong pumapatnubay sa lahat ng kanilang gawain. Batid din nilang tumutulong Siya sa mga taong tumutulong sa kanilang sarili.


Pagiging Magalang
Isang magandang pag-uugali ng mga Pilipino ang paghalik sa kamay o pisngi at pagmamano sa matatanda. Isang paraan ito ng paggalang. Karaniwang ginagawa ito ng mga bata matapos magdasal ng orasyon, pagkagaling sa simbahan, bago umalis ng bahay, kapag may dumadating o bumisitang kamag-anak o matanda, at kapag nakita at nasalubong nila ang kanilang ninong at ninang.
Ipinakikita rin ang paggalang ng mga batang Pilipino tuwing nakikipag-usap sila sa matanda.  Gumagamit sila ng po at opo at magalang na pananalita at pagbati gaya ng "Salamat po" at "Magandang hapon po." Gumagamit din sila ng magagalang na pantawag sa matatanda gaya ng kuya, ate, manong, manang, lolo, lola at iba pa.

Pagtutulungan
Nagsisimula ang pagtutulungan sa sariling tahanan. Nagtutulung-tulong ang mga kasapi ng mag-anak sa mga gawain dito. nagtutulungan din ang baway isa sa magkakapitbahay upang maisaayos at mapaunlad ang kanilang pamayanan. Iyan ay likas na katangian ng isang Pilipino.
Ang karaniwang tawagan sa pagtutulungang ito ay bayanihan. Tumatawag ang magkakapit-bahay ng bayanihan kapag may malaking gawain isasagawa sa maikling panahon. Nagtutulungan ang bawa't isa upang maging magaan ang isang mahirap na gawain. Kalimitang ginagawa ito tuwing panahon ng pagtatanim at pag-aani at sa paglilipat ng isang bahay sa ibang lugar.
larawan mula sa: www.cag.lcs.mit.edu/ bayanihan/bayanfnl.jpg

Mabuting Pagtanggap at Pakikitungo
Kilala ang mga Pilipino sa mabuti at magiliw na pagtanggap. ibig nilang masiyahan at maging maginhawa ang kanilang mga panauhin. nagsisilbi sila ng pinakamasarap na pagkaing kanilang makakaya at naghahanda ng maayos na tulugan para sa mga bisita. Nagbibigay pa sila kung minsan ng mga regalo kapag paalis na ang kanilang mga panauhin.


Pagsama-sama ng Pamilya
Karamihan sa mga mag-anak na Pilipino ay may maganda at malapit na pagsasama-sama. Nagtutulungan ang bawat kasapi sa pagsasagawa ng mga gawaing-bahay. Madalas dumadalaw sa magulang ang nag-asawang anak kapag ito'y naninirahan sa ibang lugar. Nagsasama-sama pa ang mag-anak tuwing may "family reunion" kung Pasko at iba pang pagdiriwang o okasyon. Iyan ang nagpapakita kung paano nagkakaisa ang mga mag-anak na Pilipino.
Inaalagaan at minamahal ng bawat miyembro ng mag-anak ang matandang kasapi nito. Tungkulin ng bawat Pilipino na magsilbi sa kanyang matatandang magulang, mga lolo't lola, at kamag-anak hanggang sila'y nabubuhay. Iyan ang paraan ng pagpapakita ng magandang pagtingin sa matatanda.
 Mula sa Librong Bayanihan 2 ni Priscila B. Dizon

Maikling Pagsasanay:
A. Ano ang ipinakikitang katangian ng mga sumusunod na Pilipino:
1. Nagpapasalamat araw-araw sa Panginoon si Mina.
2. Naghahanda ng meryenda si Gng. Santos para sa kanyang mga panauhin.
3. Tinutulungan nina Ninoy at Dino ang kanilang kapatid sa takdang-aralin nito sa matematika.
4. Tumutulong so Aling Betty kay Aling Tinay sa pagluluto ng pagkain para sa kaarawan ng kanyang anak.
5. Gumagamit ng po at opsi Tina sa pakikipag-usap sa matatanda.
B. Sabihin kung Tama o Mali ang mga sumusunod na pangungusap:
1. Karamihan sa mga mag-anak na Pilipino ay matapat sa kani-kanilang relihiyon.
2. Nagpapakita ng paggalang ang mga Pilipino sa paggamit ng po at opo.
3. Humahalik sa kamay o nagmamano sa matatanda pagkatapos ng orasyon ang mga bata.
4. Lalong nagiging mahirap ang gawain pagnagtulungan.
5. Nagpapakita ang mga Pilipino ng magandang pagtanggap kapag nagsisilbi ng marami at mamahaling mga pagkain.